Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Froilan Ravina habang mabilis namang tumakas ang suspek na nakababata nitong kapatid na si Joseph Ravina, 22; pawang residente ng nasabing barangay.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO1 Charlie Gutierrez, may hawak ng kaso, naganap ang insidente, dakong alas-7 ng gabi habang nag-iinuman ang magkapatid kasama ang ilan nilang barkada sa lamay ng namayapa nilang ina.
Nang kapwa malasing ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng magkapatid na humantong sa pananaksak.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang kaso habang patuloy ang pagtugis sa suspek. (Ulat ni Tony Sandoval)