Ang pag-atake ay isinagawa ng mga rebelde sa gitna na rin ng epektibong pagpapatupad ng tigil putukan ng pamahalaan na inumpisahan nitong Disyembre 18 at magtatapos sa Enero ng susunod na taon.
Sinabi ni PNP spokesman P/Sr. Supt. Joel Goltiao, dakong alas-11 ng gabi nang pasukin ng sampung armadong kalalakihan na nakasuot pa umano ng uniporme ng pulis ang pasilidad ng Globe Telecommunications na matatagpuan sa Brgy. Banal, Carmona ng nasabing lalawigan.
Wala umanong nagawa ang mga security guards dito matapos na disarmahan ng mga rebelde bago nagpasabog sa nasabing telekomunikasyon na siyang lumikha ng sunog. Ang mga rebelde ay mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang mga elemento ng Carmona Police laban sa grupo ng mga rebeldeng sangkot sa panununog. (Ulat ni Joy Cantos)