Brgy. kagawad pinatay matapos dumalo sa simbang gabi
December 20, 2003 | 12:00am
Tanauan City, Batangas Isang Brgy. Councilor ang nasawi habang isa pang sibilyan ang nasugatan makaraang mabahiran ng dugo ang isang taimtim na simbang gabi nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang dumadalo sa misa sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. Rodolfo Magtibay, Batangas Provincial Director ang nasawi na si Artemio "Henry" de Sagun, 42 anyos, konsehal ng Brgy. Ambulong ng lungsod ng Tanauan.
Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa Mercado Hospital ang nasugatang biktima na si Liza Panganiban, 47 anyos na tinamaan ng ligaw na bala sa kanang kamay.
Base sa imbestigasyon , katatapos lamang magdasal ni Magtibay sa Ambulong Catholic Church bandang alas-8 ng gabi nang biglang sumulpot ang tatlong armadong suspek at pagbabarilin ito sa ulo na naging dahilan ng kaniyang kamatayan habang nadamay naman si Panganiban sa insidente.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
Sa isinagawang follow-up operations ay nasakote ang isang gunman na kinilalang si Napoleon Tizon na positibong kinilala ng mga testigo.
Pinaniniwalaan namang ang pamamaslang ay may kinalaman sa pagiging aktibong police informer ng biktima laban sa illegal na operasyon ng isang malaking sindikatong kriminal sa Region IV. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest