^

Probinsiya

Lito Lapid sasabak sa senado

-
PAMPANGA – Ipinahayag ni Pampanga Governor Lito Lapid na tinanggap na niya ang alok ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kumandidatong senator sa ilalim ng administrasyon Lakas-CMD sa darating na 2004 elections.

"Hindi ko mapapahiya si Presidente," ani pa ni Lapid matapos na ihayag nito sa kanyang kapartido sa nasabing lalawigan na tatakbo siyang senator.

Kasunod nito ay nagsumite na ng kandidatura ang kanyang anak na si Mark Lapid sa pagka-governador bilang opisyal Lakas CMD standard bearer.

Ayon kay Fidel Arcenas, Lapid’s chief political adviser, sinabihan ng Pangulo si Governor Lapid na tumakdo sa Senado matapos na lagdaan ng coalition ang kasunduan sa pagitan ng Nationalist People’s Coalition (NPC) at Lakas-CMD.

Sinuportahan naman nina House Speaker Jose de Venecia at presidential political adviser Gabby Claudio ang kandidatura ni Lapid.

Hinikayat naman ni Lapid ang kanyang mga kababayan na suportahan ang kanyang kandidatura sa darating na 2004 elections. (Ulat ni Ding Cervantes)

DING CERVANTES

FIDEL ARCENAS

GABBY CLAUDIO

GOVERNOR LAPID

HOUSE SPEAKER JOSE

LAKAS

LAPID

MARK LAPID

NATIONALIST PEOPLE

PAMPANGA GOVERNOR LITO LAPID

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with