Bangka lumubog: 5 Koreano nasagip
December 19, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isang Koreano ang iniulat na nawawala habang lima pa ang nasagip makaraang lumubog ang sinasakyang bangkang-de-motor habang naglalayag sa karagatang sakop ng Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa.
Kinilala ang nawawala na si Kim Jim Ja, 27, kritikal naman ang tour guide na si Kim Suk Kyung na ngayoy ginagamot sa Mactan Community Hospital.
Kabilang sa nasagip ay nakilalang sina Cho Sang Sik, 38; may-asawa, Lee Mi Yeon, 33; Lee Ji Hye, 26; Kim Jung Hee, 25 at Kim Jim Bang, 32 na pawang turista at residente ng Seoul, South Korea.
Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga habang naglalayag ang bangkang M/V Boyla 6 lulan ng pitong Koreano sa karagatang sakop ng Barangay Tigpo, Olango Island, Lapu- Lapu City nang maganap ang insidente.
Binalya ng malakas na alon ang nasabing bangka hanggang sa mabutas at tuluyang lumubog.
Agad namang nagresponde ang mga elemento ng Lapu-Lapu City police na nakabase sa Olango Island, Lapu-lapu City katulong ang Phil. Air Force at nasagip ang anim na dayuhan kabilang ang isang grabeng nasugatan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest