14-anyos tinusok ng paslit
December 18, 2003 | 12:00am
ORMOC CITY Isang 14-anyos na batang lalaki na naglalako ng paninda sa pantalan ang kamuntik nang kalawitin ni Kamatayan makaraang saksakin ng may ilang ulit ng paslit na mandurugas sa panulukan ng Burgos at Real Street sa pantalang sakop ng nasabing lungsod kamakalawa ng umaga.
Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang biktimang si Louie Dela Rosa ng Barangay Lao, samantalang ang suspek na ngayon ay nakapiit ay itinago sa pangalang Dodong Donayre, menor-de-edad ng Barangay Cogon, Fatima.
Napag-alaman na ang suspek ay may mga nakabimbing warrant of arrest sa kasong pagnanakaw.
Ayon kay P03 Oscar Cobacha, kasalukuyang nakatayo ang biktima sa naturang pantalan at naghihintay ng mga pasahero mula sa barkong galing sa Cebu City.
Naramdaman ng biktima na may gumagapang sa kanyang bulsa at nang lingunin nito ay naaktuhan ang suspek na hawak na ang kinitang pera sa paninda.
Sinikap na kunin ng biktima ang sinikwat na pera kaya inundayan siya ng sunud-sunod na saksak ng patalim pero nagawang salagin hanggang sa tumama sa mga kamay. (Ulat ni Roberto C. Dejon)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 10 hours ago
By Victor Martin | 10 hours ago
By Omar Padilla | 10 hours ago
Recommended