^

Probinsiya

Chairman itinumba sa munisipyo

-
MALASIQUI, Pangasinan – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng tatlong hindi kilalang armadong lalaki sa harap mismo ng munisipyo matapos ang flag ceremony noong Lunes ng umaga sa bayang ito.

Dalawang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ni Leonides Bulatao, 40, Chairman ng Barangay Tambac, samantalang ang mga killer na mabilis tuma kas sakay ng motorsiklo sa hindi nabatid na direksyon.

Ayon sa ulat, sinaksihan ng mga opisyal ng barangay ang naganap na krimen at naantala ang pagresponde ng pulisya na may ilang metro lamang ang layo mula sa munisipyo sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Ikinahiya naman ni Pangasinan Vice Governor Oscar Lambino ang naganap na krimen dahil sa ilang metro lamang ang layo sa himpilan ng pulisya at hindi agad nakapagresponde.

Napag-alaman pa sa ulat na ang mga killer ay naghatak pa ng kanilang motorsiklo may ilang metro papalayo sa pinangyarihan ng krimen bago pa humarurot papatakas.

Sinabi pa ni Lambino na ayaw niyang isipin ng taumbayan na may problema sa peace and order sa naturang bayan.

May teorya naman ang pulisya na posibleng paghihiganti ang naging motibo ng krimen dahil ang biktima ay makulay ang naging pamumuhay.

Bago maganap ang pagpaslang kay Bulatao ay naunang itinumba ang dalawang barangay chairman na sina Jaime Caballero ng Polong at Jaime Boquiren ng Don Pedro.

Bumuo na ng Special Operation Group sa ilalim ni P/Supt. Rolando Magno para magsagawa ng dragnet operation laban sa mga killer ni Bulatao. (Ulat ni Eva Visperas)

BARANGAY TAMBAC

BULATAO

DON PEDRO

EVA VISPERAS

JAIME BOQUIREN

JAIME CABALLERO

LEONIDES BULATAO

PANGASINAN VICE GOVERNOR OSCAR LAMBINO

ROLANDO MAGNO

SPECIAL OPERATION GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with