^

Probinsiya

4 sundalo patay sa bakbakan vs MILF

-
CAMP CRAME – Apat pang sundalo ang nasawi habang 14 naman ang nawawala matapos na muling sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao nitong Lunes ng gabi.

Base sa ulat, may 14 na kawal ng Phil. Army ang nawawala nang magsagupa ang tropa ng militar at MILF sa bahagi ng Brgy. Gauang, sa Datubiaong, Maguindanao.

Samantala, aabot sa 20 rebeldeng Muslim ang nasawi sa bakbakan ng magkabilang panig na isang paglabag sa napagkasunduang ceasefire.

Sa pahayag ni Army’s 301st Infantry Brigade (IB) Commander Brig. Gen. Agustin Demaala, ang sagupaan ay nagsimula nito pang nakalipas na Sabado matapos na magsipagtago ang tinutugis na miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang sa kuta ng MILF sa hangganan ng Talitay at Datu Piang, Maguindanao.

Ang pagtugis sa Pentagon KFR ay matapos dukutin ng grupo ni Commander Tahir Alonto ang Filipino-Chinese car dealer na si Norman Sia sa Sultan Kudarat.

Ayon pa sa ulat, may 300 MILF ang umambush sa dalawang platoon ng mga sundalo mula sa 3rd at 75th Infantry Battalion na nakabase sa nasabing lugar.

Patuloy namang sinasagupa ng mga sundalo na bina-back-up ng OV 10 bomber plane ang mga rebeldeng MILF habang hinahanap ang mga nawawala nilang kasamahan.

Sinalungat naman ni Defense Secretary Eduardo Ermita ang pahayag ni Kabalu sa pagsasabing wala silang nilalabag sa peace talks.

Sinabi ni Ermita na kinakanlong ng MILF ang Pentagon KFR na pumasok at nagtatago sa kampo ng mga ito tangay ang kidnap victim na si Sia. (Ulat ni Joy Cantos)

AGUSTIN DEMAALA

COMMANDER BRIG

COMMANDER TAHIR ALONTO

DATU PIANG

DEFENSE SECRETARY EDUARDO ERMITA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with