^

Probinsiya

Kalansay ng ex-chief of police natagpuan

-
CAMP CRAME – Narekober na ng tropang militar ang kalansay ng dating chief of police na dinukot at pinaslang sa torture ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Oriental Mindoro may 16-taon na ang nakakaraan.

Ang kalansay ng biktima na kinilalang si SPO1 Celestino Santos ay narekober ng pinagsanib na elemento ng Bulalacao Mobile Police at Army’s 16th Infantry Battalion (IB) dakong alas-2 ng hapon kamakalawa sa Sitio Baylan, Brgy. Benli, Bulalacao, nasabing lalawigan.

Nabatid na isang rebel returnee na pinaniniwalaang nakonsensiya ang nagturo sa lugar na pinaglibingan sa dating hepe ng pulisya.

Lumilitaw sa imbestigasyon na si Santos ay dinukot ng mga rebeldeng NPA sa pamumuno ni Rogelio Villanueva alyas Ka Maling sa Roxas, Oriental Mindoro noong Nobyembre 23, 1987.

Positibo namang kinilala ng pamilya ni Santos na pag-aari nga nito ang nasabing bungo at kalansay base na rin sa ilang mga palatandaan tulad ng damit at alahas na suot nito ng araw na dukutin ng mga rebeldeng NPA. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BENLI

BULALACAO MOBILE POLICE

CELESTINO SANTOS

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KA MALING

NEW PEOPLE

ORIENTAL MINDORO

ROGELIO VILLANUEVA

SITIO BAYLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with