1 dedo, 3 pa sugatan sa away ng mag-live-in
December 14, 2003 | 12:00am
Camp Pantaleon Garcia, Cavite Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang 26-anyos na mangingisda habang tatlo pa ang nasugatan makaraang pagsasaksakin ng dalawang lalaki na umaawat sa away nila ng kaniyang live-in partner sa bayan ng Tanza ng lalawigang ito.
Nakilala ang nasawi na si Sonny Boy Ganuhay habang sugatan naman ang live-in partner nitong si Lenie Saludar, 20, at ang mga umaawat sa mga ito na sina Jay Walis at Benjie Balera; pawang residente ng Brgy. Julugan, Tanza, Cavite.
Ang mga sugatan ay kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Tanza Family Hospital,
Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Richard Atienza may hawak ng kaso bandang alas-7 ng gabi ng magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-live-in partner sa harapan ng kanilang tahanan sa nasabing lugar.
Nang makita umano nina Walis at Balera na hahambalusin ng dos-por- dos ni Ganuhay ang kanyang live-in partner ay mabilis ang mga itong sumaklolo upang umawat pero sa kamalasan ay ang mga ito ang napagbalingan ng biktima.
Dahil dito ay nagkagulo hanggang sa magsaksakan at maghampasan sina Ganuhay at ang dalawa nitong lalaking kapitbahay. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest