^

Probinsiya

Club nasunog: 8 katao patay

-
CAMP AGUINALDO – Malagim ang sinapit na kamatayan ng walong katao habang isa ang masuwerteng nakaligtas matapos na makulong sa nasunog na bar sa Baguio City kahapon ng umaga.

Kinilala ang lima sa walong nasawi sa mga pangalang Edsel, Mayumi, Marvin, Kaycee at Avril habang inaalam pa ang pangalan ng iba pang halos hindi na makilala sa tindi ng pagkasunog ng mga katawan.

Ang survivor ay nakilala namang si Gary Erobin na nagawang makatakbo papalabas bago pa tuluyang magmistulang impiyerno ang bar.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni Office of Civil Defense Administrator ret. Major Gen. Melchor Rosales, bandang alas-10 ng umaga nang masunog ang Perutz nightclub na matatagpuan sa kahabaan ng Magsaysay Road sa lungsod ng Baguio.

Kasalukuyan namang inaalam ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Naghihinala naman ang mga arson investigator na posibleng nag-overheat na kasangkapan kundi man faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na mabilis na kumalat at tuluyang tumupok sa naturang nightclub.

Naapula lamang ang apoy pagkalipas ng ilang oras matapos magresponde ang pinagsanib na elemento ng Bureau of Fire Protection (BFP), Emergency Medical Services, Benguet Action group at Baguio City Police. (Ulat nina Joy Cantos at Artemio Dumlao)

ARTEMIO DUMLAO

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY POLICE

BENGUET ACTION

BUREAU OF FIRE PROTECTION

EMERGENCY MEDICAL SERVICES

GARY EROBIN

JOY CANTOS

MAGSAYSAY ROAD

MAJOR GEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with