Estudyante lasog sa bus

NUEVA ECIJA – Isang 21-anyos na mag-aaral sa kolehiyo ang iniulat na nasawi makaraang masagasaan ng pampasaherong bus habang ang biktima ay tumatawid sa madilim na bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija kamakalawa ng hatinggabi.

Idineklarang patay sa Heart of Jesus Hospital ang biktimang si Jun-Jun Agmaliw y Payangdo ng Barangay Minuli, samantala, agad naman dinakip ang drayber ng Florida bus (PXD-488) na si Judith Ritarita ng Bugue, Cagayan. May teorya ang pulisya na hindi napansin ng suspek ang pagtawid ng biktima dahil sa madilim na bahagi ng kalsada. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments