^

Probinsiya

Amasona dedo sa engkuwentro

-
KAMPO SIMEON OLA – Nalagasan ang grupong makakaliwa sa naganap na engkuwetro laban sa tropa ng militar matapos na dumulagta ang isang amasonang New People’s Army (NPA) sa kagubatan ng Sitio Muladbukad, Barangay San Isidro, Castilla, Sorsogon kahapon ng umaga.

Bukod sa nasawing NPA na si Susan Aringo ay nasakote naman ang kasama nitong si Ruben Certiza na ngayon ay ginagamot sa Sorsogon Provincial Hospital dahil sa tama ng bala. Ayon sa ulat, sumiklab ang engkuwentro matapos na mamataan ng tropa ng 5th CAA Patrol Base ng Phil. Army ang grupo ng rebelde na nangongolekta ng revolutionary tax sa mga residente. Tumagal ng 10 minuto ang putukan bago umatras ang mga rebelde at iniwan ang bangkay ni Aringo at sugatang si Certiza. (Ulat ni Ed Casulla)

ARINGO

AYON

BARANGAY SAN ISIDRO

ED CASULLA

NEW PEOPLE

PATROL BASE

RUBEN CERTIZA

SITIO MULADBUKAD

SORSOGON PROVINCIAL HOSPITAL

SUSAN ARINGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with