^

Probinsiya

Mga pulis sa Sto. Tomas nakaambang sibakin

-
BATANGAS – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang buong puwersa ng himpilan ng pulisya sa Sto. Tomas, Batangas kabilang na ang kanilang police chief makaraang salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang laboratoryo ng shabu sa Barangay San Raphael noong Biyernes ng gabi.

Ipinag-utos na ni P/Sr. Supt. Rodolfo Magtibay, provincial police director ang malawakang imbestigasyon laban kay Chief Insp. Raul Tacaca at sa mg tauhan nito dahil sa kakulangan ng kaalamang mamonitor ang nagaganap na krimen sa nasasakupang lugar.

Nag-ugat ang imbestigasyon laban sa mg tauhan ng himpilan ng pulisya ng Sto. Tomas, Batangas matapos na madiskubre ang laboratoryo ng shabu sa St. Lazarus Village ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, aabot sa 10- hanggang 15 kilong shabu na nagkakahalaga ng P30 milyon ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Nagresulta rin ang nadiskubreng laboratoryo ng shabu para dakpin ang may-ari nito na si Luisito Enumerable, 36, welder na nahatulan na rin ng korte sa kasong may kaugnayan sa bawal na droga.

Naniniwala naman si Magtibay na ang sinalakay na lugar ay ginagawang transhipment point ng sindikato at hindi laboratoryo dahil sa kawalan ng masangsang na amoy kapag gumagawa ng bawal na droga.

Pero inamin naman ni Magtibay na may bagong estilo ang mga sindikato para mawala ang masangsang na amoy ng shabu.

Sumang-ayon din si Magtibay sa statement ni Atty. Ruel Lasala, drug chief ng NBI na may bagong estilo ang sindikato sa pagluluto ng shabu na walang masangsang na amoy ang maaaring umalagwa sa ere kahit na nagtayo ng laboratoryo sa mabahay na lugar. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAN RAPHAEL

BATANGAS

CHIEF INSP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

LUISITO ENUMERABLE

MAGTIBAY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RAUL TACACA

RODOLFO MAGTIBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with