^

Probinsiya

Pinagtalunan sina GMA at FPJ nauwi sa patayan

-
QUEZON – Pinaniniwalaang matinding pagtatalo sa kandidatura nina GMA at FPJ kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 28-anyos na magsasaka ng kanyang kainuman ng alak sa Barangay Gambuga, Mulanay, Quezon kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Quezon Memorial Hospital ang biktimang si Randy Garcia y Manalo, samantalang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Jamedel Funtillar y Castillo, 33, may asawa at kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Gil Belarmino, naitala ang krimen bandang alas-2:30 ng hapon habang magkasamang nag-iinuman ng alak ang dalawa sa bahay ng kanilang kaibigang si Arnold Mendoza.

Ayon sa pulisya, pinagtalunan ng dalawa ang kandidatura nina GMA at FPJ sa darating na halalan at dumating sa puntong ipinagtanggol ng biktima ang sikat na aktor.

Nairita naman ang suspek sa tinuran ng biktima na walang isang salita si GMA hanggang sa sagutin naman siya ng suspek na "sigurado ka bang mananalo ang manok mo" at makukulong din si FPJ na katulad ni Erap, dagdag pa ni Funtillar.

Namagitan naman si Mendoza sa dalawa hanggang bunutin ng biktima ang itak na nakasukbit sa kanyang baywang at itutok sa leeg ng suspek pero agad na naawat.

Gayunman ay unang umuwi ang senglot na suspek dahil sa napahiya at nang bumalik ay may dala ng baril saka sunud-sunod na pinaputukan ang biktima na inabutan pang umiinom na mag-isa. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ARNOLD MENDOZA

AYON

BARANGAY GAMBUGA

ERAP

FUNTILLAR

GIL BELARMINO

JAMEDEL FUNTILLAR

QUEZON MEMORIAL HOSPITAL

RANDY GARCIA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with