Doktor pinatay ng adik

Camp Vicente Lim, Laguna – Isang beteranong doktor ang nasawi makaraang burdahan ng saksak ng dalawang magsasaka na pinaniniwalaang bangag sa illegal na droga sa Brgy. Tulay, Romblon kamakalawa.

Dead on arrival sa RPH Medical Hospital ang biktimang kinilalang si Dr. Martin Antonio Morgado, may-asawa at residente ng Brgy. Tulay, Odiongan, Romblon. Kaagad namang naaresto ang mga suspek na sina Edgar Gaad, 30, at Geronimo Foja, 48; pawang nakapiit na sa Odiongan Municipal Jail matapos sampahan na ng kasong murder ng mga awtoridad.

Batay sa ulat, naitala ang krimen bandang alas-11 ng gabi habang ang biktima ay lulan ng kanyang motorsiklo pauwi na sa kanilang tahanan nang harangin at pagsasaksakin ng dalawang suspek na sumulpot mula sa madilim na bahagi ng naturang lugar. Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima subali’t hindi na naisalba ang buhay nito. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments