Magsasaka dinedo ng mag-utol
NUEVA ECIJA Sa hindi nabatid na dahilan ay napagtripang pagbabatuhin hanggang sa mapatay ang isang 58-anyos na magsasaka ng magkapatid na lalaki sa Barangay Samon, Cabanatuan City kamakalawa ng umaga. Idineklarang patay sa Eduardo Joson Memorial Hospital ang biktimang si Miguel Maniego y Calulu matapos na pagtulungang batuhin nSg mga suspek na sina Jackie at Alejandro Enriquez na ngayon ay tinutugis ng mga awtoridad. Sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang nag-aalmusal ang pamilya Maniego nang bulabugin sila ng sunod-sunod na ingay sa bubungan ng kanilang bahay. Agad na lumabas ang biktima para usisain pero sinalubong siya ng malalaking tipak ng bato mula sa mga suspek na ikinasawi nito. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)