^

Probinsiya

Magsasaka dinedo ng mag-utol

-
NUEVA ECIJA – Sa hindi nabatid na dahilan ay napagtripang pagbabatuhin hanggang sa mapatay ang isang 58-anyos na magsasaka ng magkapatid na lalaki sa Barangay Samon, Cabanatuan City kamakalawa ng umaga. Idineklarang patay sa Eduardo Joson Memorial Hospital ang biktimang si Miguel Maniego y Calulu matapos na pagtulungang batuhin nSg mga suspek na sina Jackie at Alejandro Enriquez na ngayon ay tinutugis ng mga awtoridad. Sa imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang nag-aalmusal ang pamilya Maniego nang bulabugin sila ng sunod-sunod na ingay sa bubungan ng kanilang bahay. Agad na lumabas ang biktima para usisain pero sinalubong siya ng malalaking tipak ng bato mula sa mga suspek na ikinasawi nito. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

ALEJANDRO ENRIQUEZ

BARANGAY SAMON

CABANATUAN CITY

CALULU

CHRISTIAN RYAN STA

EDUARDO JOSON MEMORIAL HOSPITAL

IDINEKLARANG

MANIEGO

MIGUEL MANIEGO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with