^

Probinsiya

4 forest guard inambus

-
BALANGA CITY – Apat na kalalakihan na pawang miyembro ng Mariveles Forest Protection Unit ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki sa liblib na bahagi ng Sitio Bayangan, Barangay Alas-asin, Mariveles, Bataan kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Tolentino, nakilala ang mga biktimang sina Nhelian Arellano, Jimmy Gloriano, Eduardo Macayayong at Virgilio Fortuna, samantalang malubhang nasugatan naman si Rodolfo Alfonso na agad isinugod sa malapit na ospital.

Base sa ulat, sinusuyod ng mga biktima ang kagubatang bahagi ng nasabing lugar para dakpin ang grupo ng illegal loggers matapos na makatanggap ng ulat na may umaaligid na armadong kalalakihan na may dalang chainsaw.

Habang tinatahak ng mga biktima ang nabanggit na bahagi ng barangay ay umalingawngaw ang sunod-sunod na putok.

Agad na bumulagta ang apat habang kritikal naman si Alfonso sa tinamong maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsagawa na nang malawakang pagtugis ang mga tauhan ng 304th Police Mobile Group at 24th Infantry Battalion ng Phil. Army. (Ulat ni Raffy C. Viray)

BARANGAY ALAS

CAMP TOLENTINO

EDUARDO MACAYAYONG

INFANTRY BATTALION

JIMMY GLORIANO

MARIVELES FOREST PROTECTION UNIT

NHELIAN ARELLANO

POLICE MOBILE GROUP

RAFFY C

RODOLFO ALFONSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with