Kidnaper todas, biktima nasagip
December 6, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Napaslang sa shootout ang isang notoryus na miyembro ng big time kidnap-for-ransom (KFR) gang habang dalawa pa nitong kasamahan ang nasakote matapos salakayin ng mga operatiba ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) ang hideout ng sindikato sa isinagawang rescue operations sa Dasmariñas, Cavite kahapon ng hapon.
Kasabay nito, nailigtas naman ang kidnap victim na si Jose Naga, 43, isang K9 breeder ng San Pablo, Laguna na kinidnap noong Disyembre 2, 2003 sa SM Centerpoint sa Sta. Mesa, Manila.
Gayunman, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng nasawi habang di naman tinukoy ang pangalan ng nasakoteng kidnaper.
Ang mga suspek ay pawang miyembro ng kilabot na Waray-Waray KFR group.
Nabatid na dakong alas-2:30 ng hapon nang magsagawa ng rescue operations ang mga tauhan ng PACER sa lugar na pinagtataguan sa biktima sa Brgy. Paliparan, Dasmariñas, Cavite.
Sa kabila ng pagbibigay ng warning shot ng mga awtoridad sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa ang mga kidnaper hanggang sa nauwi sa umaatikabong palitan ng putok.
Sa kasagsagan ng putukan ay minalas na masapul ang isa sa mga kidnaper habang nadakip naman ang dalawa habang papatakas.
Nagpapatuloy naman ang operasyon upang madakip ang iba pa sa mga nakatakas na kidnapers. (Ulat nina Joy Cantos at Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 11 hours ago
By Cristina Timbang | 11 hours ago
By Tony Sandoval | 11 hours ago
Recommended