^

Probinsiya

4 todas sa ambush

-
CAMP AGUINALDO – Malagim ang sinapit na kamatayan ng apat-katao kabilang ang paring Muslim makaraang paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa naganap na madugong insidente sa Zamboanga City noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang nasawi na sina Imam Jamani Ahadin, Brgy. Kagawad Ibung Mabangsa, Bidwari Ahadin at Abdul Mukmin Ahadin, pawang mga residente ng Sitio Marangan, Barangay Muti, Curuan District sa nasabing siyudad.

Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi naganap ang pananambang habang binabagtas ng mga biktima ang ruta pauwi sa kanilang bahay sa Sitio Marangan, Barangay Muti sa nasabing lungsod.

Nabatid na bigla na lamang sumulpot ang mga hindi pa nakikilalang armadong salarin at kasunod nito’y pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Mabilis na lumulan ang mga suspek sa Mary May Bus matapos na maisagawa ang krimen.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na alitan ng pamilya kaugnay ng pag-angkin sa lupain ang motibo ng pamamaril. (Ulat ni Joy Cantos)

ABDUL MUKMIN AHADIN

BARANGAY MUTI

BIDWARI AHADIN

CURUAN DISTRICT

IMAM JAMANI AHADIN

JOY CANTOS

KAGAWAD IBUNG MABANGSA

MARY MAY BUS

SITIO MARANGAN

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with