Duwelo: 2-katao dedo

LUCENA CITY, Quezon – Maagang kinalawit ni Kamatayan ang magkapitbahay makaraang magsaksakan dahil sa naungkat na matandang alitan sa Purok Tanglaw, Barangay Cotta kamakalawa ng hapon. Kapwa binawian ng buhay dahil sa sugat ng patalim sa katawan sina Lamberto Trinidad, 27, alyas "Doy", isang obrero at Andres Milina Santander, 56, walang trabaho, kapwa may asawa ng nabanggit na barangay.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Renato Pelobello at PO3 Gerry de Chavez, naitala ang krimen bandang alas-4:30 ng hapon makaraang magsalubong ang dalawa sa naturang lugar hanggang sa magkasaksakan. Sinaklolohan naman ng mga nakasaksi pero hindi na umabot pa ng buhay sa pinagdalhang ospital. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments