Patrol vs van: 3 todas
December 2, 2003 | 12:00am
LUMBAN, Laguna Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi makaraang sumalpok ang isang barangay patrol car sa kasalubong na Tamaraw FX van sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Maytalang Uno sa bayang ito noong Linggo ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga namatay na biktimang sina Jose Yanesa ng Brgy. San Isidro, Pagsanjan, Federico Culajara, 23, at Aldrin Cabresa, 19 na kapwa residente rin ng Brgy. San Isidro. Sugatan naman sina Ryan Cabuhat, 19 at Constantine Mesina, empleyado ng Department of Transportation and Communicaiton (DOTC).
Lumalabas sa imbestigsayon ng pulisya , dakong alas-9:30 ng gabi habang bumabagtas sa nasabing highway ang Tamaraw FX na may plakang PJU-668 na minamaneho ni Mesina patungo sa bayan ng Pakil nang salubungin ng patrol car na minamaneho naman si Yanesa. Napag-alaman pa na tumaob ang sinasakyang patrol car ng mga nasawing biktima at pinalalalagay na naidlip sandali si Yanesa kaya hindi nito nakabig ang minamanehong sasakyan. (Ulat ni Rene M. Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest