^

Probinsiya

3 patay,6 grabe sa ambush

-
CAMP AGUINALDO – Tatlo sa tropa ng militar ang nasawi, samantalang anim naman ang malubhang nasugatan nang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sinasakyang trak ng mga biktima sa Bislig City, Surigao del Sur, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Pfc Ali Sapre at ang dalawang tauhan ng CAFGU Active Auxillary (CAA) na sina Teofilo Aradillos at Crisostomo Listino.

Nakilala naman ang mga malubhang nasugatan na sina Pfc Tahir Wahabi, CAA’s Jaime Painan, Jose Mendoza, Salvador Sato, Violito Rosas at Danilo Dumaog; pawang ginagamot sa Andres Soriano Memorial Hospital.

Dakong alas-11:30 ng umaga habang lulan ng trak ang mga enlisted personnel ng CAA mula sa Delta Company ng Army’s 28th Infantry Battalion na bumabagtas sa kahabaan ng Road 1A, Purok 7, Sitio Mabog, San Roque, Bislig City nang ambusin ng mga rebelde.

Nabatid na kasalukuyang escort ang tropa ng militar sa mga tauhan ng PICOP Road Construction na nagsasagawa ng proyekto sa lugar nang tambangan ng grupo ni Commander Waco na nakaposisyon sa tabi ng highway.

Matapos na ambusin ang tropang gobyerno ay tinangay pa ng mga rebelde ang 3 M-14 rifles mula sa mga nasawi at sinunog ang trak bago nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon. (Ulat ni Joy Cantos)

ACTIVE AUXILLARY

ANDRES SORIANO MEMORIAL HOSPITAL

BISLIG CITY

COMMANDER WACO

CRISOSTOMO LISTINO

DANILO DUMAOG

DELTA COMPANY

INFANTRY BATTALION

JAIME PAINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with