^

Probinsiya

Doktor na kinidnap, 1 pa nasagip

-
Matagumpay na nailigtas ng tropa ng militar ang dinukot na doktor at pamangkin nito matapos ang tatlong buwang pagkakabihag ng mga Abu Sayyaf Group (ASG) sa isinagawang operasyon sa Sulu kamakalawa ng hatinggabi.

Kinilala ang mga biktimang nasagip na sina Dr. Romeo Lao, prominenteng dentista at pamangkin nitong si Amor Rubio, 16.

Ayon kay Lt. Col. Daniel Lucero, Chief ng AFP-Public Information Office (AFP-PIO), sina Lao at Rubio ay nasagip ng pinagsanib na elemento ng Army’s 33rd Infantry Battalion (IB) at 53rd IB matapos ang ilang minutong pakikipagpalitan ng putok sa mga terorista dakong alas-12 ng hatinggabi sa Brgy. Lagasan, Parang, Sulu.

Sinabi ni Lucero na napilitan ang mga kidnaper na abandonahin ang mga bihag sa takot na mapaslang ng tropang gobyerno.

Nagawang matunton ng mga sundalo ang kinaroroonan ng dalawang bihag matapos na makatanggap ng impormasyon sa presensiya ng mga kidnaper sa nasabing lugar.

Habang ginagalugad ang liblib na bahagi ng barangay at naaktuhan ng tropa ng militar ang mga kidnaper habang tangay ang mga biktima na nauwi sa maikling palitan ng putok hanggang sa magsitakas ang mga kalaban.

Magugunita na ang mga biktima ay binihag ng Sayyaf sa downtown ng Jolo, Sulu may tatlong buwan na ang nakalilipas.

Sa kasalukuyan ay dinala na ang mga nailigtas na mga bihag sa kampo ng Task Force Comet ng militar para maisailalim sa masusing debriefing. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

AMOR RUBIO

AYON

DANIEL LUCERO

DR. ROMEO LAO

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

PUBLIC INFORMATION OFFICE

TASK FORCE COMET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with