49 bangkay magkakasabay na inilibing
November 30, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Tinatayang aabot sa 49 bangkay na pawang walang pagkikilanlan at nakaimbak sa Villa Funeral Homes simula pa noong Oktubre 2003 ay pormal nang inilibing sa liblib na bahagi ng Talabaan sa nasabing lungsod kahapon ng umaga.
Kabilang sa 49 labi ay 43 lalaki, tatlong babae at tatlong bata na pinaniniwalaang naging biktima ng summary execution at walang makuhang pagkikilanlan dahil sa walang kamag-anakan.
Ayon sa ulat, bandang alas-10 ng umaga nang magkakasabay na inilibing ang 49 bangkay at inilagay sa 28 kahoy na kabaong.
Napag-alaman pa sa ulat na pinondohan ng lokal na pamahalaan ng P186,200 para maipalibing ang 49 bangkay. (Ulat ni R.G. Antonet A. Go)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Cristina Timbang | 22 hours ago
By Tony Sandoval | 22 hours ago
Recommended