^

Probinsiya

Pulis-WPD namaril: 2 sibilyan patay

-
Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi, samantalang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang mag-amok ang isang pulis-Maynila na pinaniniwalaang senglot sa birthday party kamakalawa ng gabi sa Canlubang, Laguna.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na biktimang sina Rodel Dumalaog, 44, may asawa ng Blk. 43 Lot 11 Asia II Kapayapaan Ville, Canlubang, Laguna; at Fernado Bagnes, 37, tubong Batangas.

Nasa kritikal na kondisyon naman at inoobserbahan sa San Jose Medical Hospital sina SPO4 Nicanor Maamo, 46, Intelligence chief mula sa himpilan ng Las Piñas City police at Reynaldo Pajinto.

Tinutugis naman ang suspek na si PO1 Jonathan Baugh na nakatalaga sa Western Police District Station 3, Maynila.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente bandang alas-6 ng gabi sa party ng isang batang babae sa Blk. 51 Lot 3 sa Kapayapaan Ville.

Napag-alaman pa sa ulat na dumating si Baugh sa party habang nag-iinuman ang grupo ni Maamo.

Dahil sa lango na sa alak ang grupo ni Maamo ay nagawang sitahin ang nakainom ding pulis-Maynila at hinahanapan ng identification at tsapa.

Base sa impormasyon nakalap ng pulisya, nairita at napahiya ang suspek sa karamihan ng bisita kaya lumisan patungo sa kanyang nakaparadang kotse para kunin ang police ID kasama na ang baril.

Galit na bumalik ang suspek at ipinakita ang identification sa grupo ni Maamo at kasabay nito ay sunud-sunod na putok ang umalingawngaw hanggang sa duguang bumulagta ang dalawa na nagresulta rin para magpulasan ang ibang bisita.

Agad namang tumakas ang suspek sa hindi nabatid na direksiyon. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

ARNELL OZAETA

CANLUBANG

FERNADO BAGNES

JONATHAN BAUGH

JOY CANTOS

KAPAYAPAAN VILLE

LAS PI

MAAMO

MAYNILA

NICANOR MAAMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with