^

Probinsiya

Reyna ng shabu natiklo sa raid

-
DARAGA, Albay – Nagwakas ang modus-operandi ng isang 50-anyos na misis na tinaguriang "shabu queen" makaraang makumpiskahan ng P.2 milyong bawal na droga sa isinagawang drug bust operation sa Rodriguez apartment, Purok 7, Barangay Binitayan sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek na si Teresita Cruz matapos na salakayin ang kanyang bahay bandang ala-1 ng hapon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Albay Regional Trial Court Branch 10.

Ayon sa pulisya, ilang linggo nang tinitiktikan ang suspek dahil sa pagbebenta nito ng shabu sa mga kabataang mag-aaral.

Matapos na maging positibo ang impormasyong nakalap ng pulisya ay sinalakay ang tinutuluyang apartment ng suspek at nakumpiska ang 21 plastic sachets ng shabu at iba’t ibang gamit sa bawal na droga.

Inamin ng pulisya na nahirapan sila na malambat ang suspek dahil sa palipat-lipat ng tinutuluyang bahay hanggang sa matiyempuhan. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

ALBAY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

AYON

BARANGAY BINITAYAN

ED CASULLA

INAMIN

KASALUKUYANG

MATAPOS

NAGWAKAS

TERESITA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with