^

Probinsiya

Preso napatay ng pulis

-
CAMP CRAME – Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nabaril at napatay ang isang preso ng pulis sa loob ng selda mula sa Dingalan municipal police station sa Aurora kamakalawa. Tinamaan sa ulo ang biktimang si Ariel Jacinto matapos na bumagsak ang baril ni PO2 Juanito Costales na ngayon ay sumasailalim sa masusing imbestigasyon.

Ayon sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang insidente dakong alas-8:15 ng gabi matapos na bumagsak ang baril ni Costales sa sementadong sahig habang nagroronda sa selda. Napag-alaman sa imbestigasyon na wala naman lumantad na preso para magbigay ng testimonya maliban sa dalawang pulis na kasama ni Costales ang nagsabing nakarinig sila ng malakas na putok mula sa selda ng biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARIEL JACINTO

AYON

CAMP CRAME

COSTALES

DINGALAN

JOY CANTOS

JUANITO COSTALES

NAPAG

TINAMAAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with