Nakilala ng pulisya ang tatlong napatay na sina Clarito Pispis, 49; Domingo Mariano, 40 at Ryan Fred Ayera, 21 na pawang magkakamag-anak at residente ng Barangay San Isidro, Lupao.
Ginagamot naman sa Cabanatuan City General Hospital si Jeffrey Pispis na anak naman ni Clarito.
Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Rhoderick Armamento kay P/Senior Supt. Luisito Palmera, provincial director, naitala ang pananambang bandang alas-3:50 ng hapon matapos na harangin ang mga biktimang lulan ng traysikel papauwi mula sa sinasakang lupain.
Napag-alaman pa sa pagsisiyasat ng pulisya, agad na bumaba ang mga rebelde sa sinasakyang dyip saka nilapitan ang mga biktima at sumunod ang sunud-sunod na alingawngaw ng putok ng baril.
Isa sa sinisilip ng mga imbestigador ay ang isyu ng revolutionary tax at ang sinasakang lupain ng mga biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)