^

Probinsiya

Tatlong magsasaka inambus, patay

-
NUEVA ECIJA – Tatlong kalalakihang magsasaka ang kumpirmadong nasawi, samantalang isa pa nilang kasama ay malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay San Isidro, Lupao, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.

Nakilala ng pulisya ang tatlong napatay na sina Clarito Pispis, 49; Domingo Mariano, 40 at Ryan Fred Ayera, 21 na pawang magkakamag-anak at residente ng Barangay San Isidro, Lupao.

Ginagamot naman sa Cabanatuan City General Hospital si Jeffrey Pispis na anak naman ni Clarito.

Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Rhoderick Armamento kay P/Senior Supt. Luisito Palmera, provincial director, naitala ang pananambang bandang alas-3:50 ng hapon matapos na harangin ang mga biktimang lulan ng traysikel papauwi mula sa sinasakang lupain.

Napag-alaman pa sa pagsisiyasat ng pulisya, agad na bumaba ang mga rebelde sa sinasakyang dyip saka nilapitan ang mga biktima at sumunod ang sunud-sunod na alingawngaw ng putok ng baril.

Isa sa sinisilip ng mga imbestigador ay ang isyu ng revolutionary tax at ang sinasakang lupain ng mga biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BARANGAY SAN ISIDRO

CABANATUAN CITY GENERAL HOSPITAL

CHRISTIAN RYAN STA

CLARITO PISPIS

DOMINGO MARIANO

JEFFREY PISPIS

LUISITO PALMERA

LUPAO

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with