^

Probinsiya

2 patay, 2 grabe sa amok ng Cafgu

-
Camp Crame – Dalawa katao ang nasawi habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon kabilang ang dalawang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng isang nag-amok na kasapi ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa lalawigan ng Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Brgy. Captain Melchor Asuten, 39 anyos, dead on arrival sa pagamutan at Brgy. Kagawad Reynaldo Agcaoili , 49, na agad namang binawian ng buhay sa insidente. Ang mga nasa kritikal na kondisyon ay nakilala namang sina Joey Asuten, 31 at Flordeliza Agcaoili, 45 anyos.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Roger Buenaventura, 46, isang aktibong kasapi ng CAFGU na nakadestino sa lalawigan ng Cagayan.

Batay sa ulat, ang insidente ay naganap bandang alas-9:30 ng gabi habang kasalukuyang nag-iinuman ang suspek at mga biktima sa isang compound sa Brgy. Calapangan Sur, Lasam, Cagayan.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at ng mga biktima kaya’t nagwala ang una at pinaputok ang kaniyang M14 rifle na ikinasawi at ikinasugat ng kaniyang mga kainuman. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

BRGY

CALAPANGAN SUR

CAMP CRAME

CAPTAIN MELCHOR ASUTEN

FLORDELIZA AGCAOILI

JOEY ASUTEN

JOY CANTOS

KAGAWAD REYNALDO AGCAOILI

ROGER BUENAVENTURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with