^

Probinsiya

1 patay sa kontaminadong tubig, 50 na-ospital

-
Legazpi City – Isang Brgy. Captain ang nasawi habang 50 pa katao ang isinugod sa iba’t-ibang pagamutan sa Albay matapos ang mga itong makainom ng kontaminadong tubig sa Sitio Santicon, Brgy. Salvacion sa bayan ng Malilipot ng lalawigan.

Ang nasawi ay nakilalang si Brgy. Captain Atillano Luminares, incumbent sa nasabing barangay.

Nabatid na ang pinagmulan ng kontaminadong tubig na ininom nina Luminares at 50 pa nitong kabarangay ay isang balon sa kanilang lugar na napolusyon dahilan sa sunud-sunod na pag-ulan at pagbaha.

Ang mga biktima na nagkakaedad 6 buwan hanggang 60 anyos ay nakaramdam ng lagnat, pagtatae kaya mabilis ang mga itong isinugod sa pagamutan.

Kaugnay nito, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga opisyal ng Municipal Health Office ng bayan ng Malilipot at Albay Provincial Health Office upang mabatid kung ano ang dahilan ng naturang outbreak ng typhoid fever. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

ALBAY PROVINCIAL HEALTH OFFICE

BRGY

CAPTAIN ATILLANO LUMINARES

ED CASULLA

ISANG BRGY

LEGAZPI CITY

MALILIPOT

MUNICIPAL HEALTH OFFICE

SITIO SANTICON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with