Kidnaper ng dalagita timbog

NUEVA ECIJA – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang kidnaper ng 12-anyos na babae makaraang mamataan ang una na nagmamaneho ng traysikel sakay ang biktima sa Barangay Poblacion Sur, Licab, Nueva Ecija kamakalawa ng tanghali. Base sa ulat ni P/Supt. Rhoderick Armamento na isinumite kay P/Sr. Supt. Luisito Palmera, bandang alas-12:55 ng tanghali nang mamataan ni Freddie Domingo ang traysikel na lulan ang biktimang si April Esguerra at nanlalaban sa suspek na si Edgardo Dulay ng Barangay Poblacion Norte. Agad naman ipinagbigay-alam sa pulisya ang pangyayari kaya mabilis naman nasakote ang suspek. Napag-alaman pa na ang biktima ay naglalakad papauwi nang harangin ng suspek at sapilitang isinakay sa traysikel at may posibilidad na hahalayin ang dalagita. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments