30 JI tinutugis sa Mindanao
November 17, 2003 | 12:00am
DAVAO CITY Kasalukuyang nagsasagawa nang paniniktik ang mga ahente ng Bureau of Immigration sa buong katimugang bahagi ng Mindanao para tugisin ang nagtatagong 30 banyagang kasapi ng teroristang grupo ng Jemaah Islamiyah.
Napag-alaman sa ulat na sinusuyod na ng mga awtoridad ang posibleng pinagkukutaan ng mga kasapi ng Jemaah Islamiyah na sakop ng Saranggani, South Cotabato at ilang bayan sa North Cotabato.
Ang mga ahente ng BI na hawak ang litrato ng mga kasapi ng JI ay mula sa Pakistan, Egypt at Indonesia. Karamihan ay kinakanlong ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nabatid pa sa ulat na ang JI ay nagsanay sa Camp Abubakar sa Parang, Maguindanao noong 1997 at nanatiling nasa bansa at naghihintay lamang ng pagkakataong maghasik ng terorismo sa ilang bahagi ng Mindanao at Metro Manila sa darating na araw. (Ulat ni Edith R. Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended