^

Probinsiya

Obispo ninakawan ng P.3-M

-
LUCENA CITY – Aabot sa P.3 milyong cash at tseke ang iniulat na nanakaw ng nag-iisang hindi kilalang lalaki ang opisina ng obispo sa Barangay Isabang ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Sinabi ni P/Supt. Edgar Layon, chief of police, ang panloloob ay naganap bandang alas-2:30 ng hapon sa opisina ni Bishop Emilio Marquez.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na may dumating na hindi kilalang lalaki sa opisina ng nasabing obispo na nagpanggap na Brother Arsenio at hinahanap si Bishop Marquez.

Ayon pa sa pulisya, sinagot naman ng janitor na si Arcadio ang nagpakilalang lalaki na natutulog ang obispo pero sumagot ito na maghihintay na lamang sa opisina ng naturang obispo hanggang sa magising.

Tiwalang binayaan naman si Arcadio na maghintay sa opisina ng obispo ang nagpanggap na Brother pero lingid sa janitor ay binubuksang isa-isa ang tukador hanggang sa limasin ang nasabing halaga saka tumakas sa likurang bahagi.

Napag-alaman pa sa pagsisiyasat ni SPO1 Raul Avilla, nadiskubre lamang ang pagnanakaw nang magising si Bishop Marquez at makita ang bukas na mga tukador at nagkalat na gamit sa opisina. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

AABOT

ARCADIO

AYON

BARANGAY ISABANG

BISHOP EMILIO MARQUEZ

BISHOP MARQUEZ

BROTHER ARSENIO

EDGAR LAYON

RAUL AVILLA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with