^

Probinsiya

Paslit patay sa bus holdap

-
CAMP CRAME – Sinawimpalad na masawi ang isang 1-anyos at 3-buwang batang lalaki matapos na tamaan ng ligaw na bala ng baril sa naganap na bus holdap na nagresulta rin sa pagkasugat ng tatlo katao sa Sariaya, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa pagamutan ang biktimang si John Jewel Acol at nasugatan naman ang driver ng bus na si Edgardo Magadia matapos na tamaan ng bala ng shotgun na pinaputok ng dalawang holdaper.

Kabilang pa sa nasugatan ay ang dalawang holdaper na naaresto, na nakilalang sina Marlon Sediño at Ramil Clamor, kapwa residente ng Brgy. Morong, Sariaya na kasalukuyan ngayong ginagamot sa Nursery Community Hospital sa karatig-bayan ng Candelaria.

Nakilala naman ang nakabarilan ng dalawang holdaper na si Jail Officer 3 Edgardo Bautista, nakatalaga sa San Pedro Municipal Jail sa Laguna na kabilang sa mga pasahero ng hinoldap na South Star bus, may plakang DWY-716.

Base sa imbestigasyon, dakong 9:40 ng gabi habang bumabagtas ang bus sa kahabaan ng national highway na sakop ng Brgy. Sto. Cristo, Sariaya nang magdeklara ng holdap ang dalawa.

Habang nililimas ang pera, alahas at mga kagamitan ng mga pasahero ay di na nag-aksaya ng pagkakataon si Bautista na nagkataong lulan ng bus at pinaputukan ang dalawa na kapwa tinamaan.

Dahil sa pagkabulilyaso ng kanilang delihensya ay nagpaputok din ang dalawang holdaper at tinamaan ang bata at driver ng bus.

Nadakip naman ang mga suspek ng mga nagrespondeng pulisya na nagdala sa mga ito sa pagamutan. (Ulat ni Joy Cantos)

BRGY

EDGARDO BAUTISTA

EDGARDO MAGADIA

JAIL OFFICER

JOHN JEWEL ACOL

JOY CANTOS

MARLON SEDI

NURSERY COMMUNITY HOSPITAL

RAMIL CLAMOR

SARIAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with