P1.4-M kargamento hinaydyak

QUEZON – Tinatayang aabot sa P1.4 milyong kargamento na lulan ang cargo truck ang iniulat na hinaydyak ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa Sitio Capihan, Barangay Bataan, Sampaloc, Quezon kahapon ng madaling -araw. Bukod sa ginawang paninikwat ay itinapon sa bangin ang drayber na si Rogelio Medallion at dalawang pahinanteng sina Renato Antipolo at Ada Pajes. Ayon sa pulisya, ang kargamentong lulan ng trak (CSD-764) ay mula sa Santolan, Pasig City patungo sa Kabikulan nang harangin ng mga maninikwat bandang ala-1 ng madaling-araw. Matapos na tangayin ang P1.4 milyong kargamento ay itinali ang mga biktima bago itinapon sa bangin pero agad naman natagapuan ng mga awtoridad. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments