Informer nilikida ng NPA

CAMP SIMEON OLA – Isang 28-anyos na magsasaka na pinaniniwalaang tiktik ng militar at pulisya ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong kabataang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Antipolo, Barangay Magsalangi, Milagros, Masbate kahapon ng umaga. Hindi na binigyan pa ng pagkakataong makapanlaban ang biktimang si Godofredo Mulat matapos na ratratin ng mga rebelde habang nag-aalmusal sa sariling bahay kasama ang asawa bandang alas-6 ng umaga. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na bago pa paslangin ang biktima ay nakakatanggap na ito ng pagbabanta mula sa mga rebelde dahil sa pagiging tiktik pero binalewala hanggang sa kalawitin siya ni kamatayan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments