Pulis nag-amok,namaril sa loob ng videoke bar
November 9, 2003 | 12:00am
LUCENA CITY Dahil sa sintunadong kanta ng kalalakihang lango sa alak sa videoke bar, nainis ang isang aktibong miyembro ng PNP kung kayat naghuramentado ito at namaril kamakalawa ng gabi sa Barangay Gulang-Gulang ng lungsod na ito.
Kinasuhan at malamang na masibak sa serbisyo ang nag-ala-Rambong parak na si SPO1 Abelardo de Guzman, may asawa at nakatalaga sa Tayabas Municipal Police Station.
Ayon kay SPO3 Reynaldo Belarmino, officer-on-case, dakong alas-6 ng gabi ay naka-unipormeng pumasok sa Triple B canteen and videoke bar ang pulis at umorder ng ilang bote ng alak.
Nang malasing ang pulis ay tumayo ito at pinatitigil umano ang mga kumakanta sa katabing mesa dahil sa sintunadong pagkanta ng isa sa grupo ng kalalakihan.
Subalit sa halip na tumigil ang mga katabi nito sa pag-awit ay nagpatuloy pa kayat naghuramentado ang pulis at nagpaputok pa ng baril na sa kabutihang-palad ay wala namang tinamaan.
Kasabay ng pagkakagulo sa loob ng videoke bar ay umalis na rin ang suspek na sakay ng kanyang owner-type jeep.
Tiniyak naman ni Quezon PNP director P/Supt. Federico Terte na hindi niya kukunsintihin ang ginawa ng suspek at tutuluyan niya itong sibakin. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest