Ayon kay Defense Secretary Eduardo Ermita, hindi malayong nasa Malaysia na ang mga hostages dahilan magkakalapit lamang ang lokasyon ng Tawi-Tawi at ng Sabah, Malaysia.
Gayunman sa kabila nito ay iginiit ni Ermita na tuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng militar sa lalawigan ng Tawi-Tawi,
Nilinaw ng kalihim na bagaman magkakasalungat ang pahayag ng umanoy nakaligtas na hostage na si Nonoy Alkusil ay ginagamit pa rin ito ng tropa ng militar bilang guide sa kanilang operasyon.
Si Alkusil na napatunayang pekeng Indonesian national ay naunang nagsabing nakaligtas siya sa kamay ng kanilang mga abductors matapos imasaker ang lima nitong kasamahang bihag noong Oktubre 27 sa Languyan, Tawi-Tawi.
Sa kabila rin ng paglutang na mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang mga kidnappers ay naniniwala ang kalihim na tradisyunal na mga pirata ang responsable sa pagdukot sa mga biktima. (Ulat ni Joy Cantos)