Pekeng Indon ang nakaligtas sa bihag ng Abu
November 6, 2003 | 12:00am
Hindi Indonesian national ang tunay na pagkatao ng impostor na dayuhang hostage na kabilang sa mga kinidnap ng Sayyaf sa Sabah, Malaysia noong Okt. 5.
Si Nonoy Alkusil na unang nagpakilalang Indonesian sa mga elemento ng Languyan Municipal police station pero binawi niya ito sa militar na nagsabi namang isa siyang Malaysian national ay wala pang balak ang PNP na sampahan ng anumang kaso ang naturang impostor.
Ayon kay PNP Director for Operations P/Chief Supt. Virtus Gil, lumilitaw sa interogasyon ng PNP na Pinoy at hindi dayuhan si Alkusil na nilito lamang ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Aniya, naberipika na ng PNP na tubong Bisaya si Alkusil.
Ayon sa ulat, si Alkusil ay nagpakilalang survivors sa kabuuang anim na bihag matapos na i-massacre ng mga kidnaper ang kanyang limang kasamahang bihag kabilang ang kanyang ama at inang sina Amay at Arsad sa Languyan, Tawi-Tawi. Ang nasabing mga hostage ay binihag noong Oktubre 5 sa Borneo Ecofarm Paradise Resort sa Sabah, Malaysia.
Sa kabila rin ng kasinungalingan ni Alkusil na nagpakilala rin sa pangalang Novelito Argozel, sinabi ni Gil na importante pa rin ito sa kanilang operasyon upang mahanap ang lima pang hostages na posibleng buhay pa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest