GRO pinilahan ng 3 Bombay

RIZAL– Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 23-anyos na guest relation officer (GRO) makaraang halayin ng tatlong Bombay sa Greenwood Subdivision na sakop ng Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi. Itinago sa pangalang Rose ang biktimang naninilbihan sa Diana’s bar sa Sta. Mesa, Maynila, samantala, isa sa tatlong suspek na naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang si Kulwant Singh, 22, habang tinutugis ng pulisya sina Ajay Komar at Jagsees Singh. Naitala ng pulisya ang krimen bandang alas-11 ng gabi matapos na sumama ang biktima kay Kulwant sa bahay ng mga suspek. Dito na hinubaran ang babae saka isinagawa ang maitim na balak . Matapos ang panghahalay ay pinakawalan naman ang biktima hanggang sa makaabot ang reklamo sa pulisya. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments