Mister itinumba sa harap ni misis at anak
DARAGA, Albay Pinaniniwalaang may malaking atraso sa grupo kaya ipinapatay ang isang 57-anyos na drayber sa harap mismo ng kanyang asawat anak sa Barangay Binitayan sa bayang ito kahapon ng madaling-araw. Binistay ng bala ng baril ang katawan ni Orlando Durano ng Barangay Milagros Castilla, Sorsogon habang nagmamaneho ng dyip na may plakang EVB-685 kasama ang kanyang pamilya bandang alas-4:30 ng umaga. Sa imbestigasyon ng pulisya, papauwi na ang biktima mula sa Bacacay, Albay nang biglang umangkas ang tatlong hindi kilalang lalaki matapos na dumaan sa lubak ang sasakyang minamaneho ng biktima. (Ulat ni Ed Casulla)