2 patay sa amok ng kagawad

CAMP CRAME–Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi, samantala, isa naman ang nasa kritikal na kondisyon makaraang mag-amok at mamaril ang isang kagawad ng barangay sa Barangay Progreso, Ajuy, Iloilo kamakalawa.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril ang mga biktimang sina Allan Demonteverde, security guard at Raymund Asumbra. Tinamaan naman ng ligaw na bala si Sidney Soberano at ngayon ay inoobserbahan sa Visayas Medical Center. Tumakas naman ang suspek na si Leonardo Bonifacio, alyas Nardo matapos isagawa ang pamamaril bandang alas-9 ng gabi. Hindi naman nabatid ng pulisya ang motibo ng pagwawala ng suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments