^

Probinsiya

7-katao kritikal sa kidlat

-
CAMP CRAME – Pito-katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang santikin ng kidlat habang ang mga biktima ay nasa sementeryong sakop ng Barangay Poblacion, Binmaley, Pangasinan kamakalawa.

Ang mga biktimang isinugod sa Lingayen Community Hospital Region 1 Medical Center ay nakilalang sina Larry Ferrer, 17, Larry Sy, 23, na pawang residente ng Barangay Calaoan Norte; Isagani Garcia, 31, Rodrigo Garcia, 11, Leonarda Escocio, 57, Vangie Camacho, 31 at Rudy Escosio na pawang naninirahan sa Pugaro Suite, Dagupan City.

Nabatid sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, naitala ang pangyayari bandang alas-12:30 ng tanghali sa loob ng naturang sementeryo.

Ayon pa sa pulisya, kasalukuyang ginugunita ng mga biktima ang All Souls’ Day ng biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay nito ang dagundong na kulog hanggang sa kumislap ang matalim na kidlat.

Dito na nagkaroon ng komosyon sa loob ng sementeryo habang ang mga biktimang sinaltik ng kidlat ay nakabulagtang sugatan pero agad naman nagresponde ang mga awtoridad para saklolohan ang mga ito hanggang sa maisugod sa nabanggit na ospital. (Ulat ni Joy Cantos)

ALL SOULS

BARANGAY CALAOAN NORTE

BARANGAY POBLACION

CAMP CRAME

DAGUPAN CITY

ISAGANI GARCIA

JOY CANTOS

LARRY FERRER

LARRY SY

LEONARDA ESCOCIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with