Drayber binoga ng pulis

CAVITE – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 42-anyos na trike driver matapos na barilin ng isang kagawad ng pulisya dahil sa gitgitan sa trapiko sa Barangay Sta. Lucia, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Tinamaan sa dibdib ang nasawing biktima na si Ronadine Avilla ng Block 47, Lot 3, Barangay San Isidro Labrador, samantala, isa sa dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ay nadakip at kinilalang si Nicolas Nepomuceno, 38 ng Block 9 Lot 27 Windward Subdivision, Barangay Burol 1 ng nasabing bayan.

Base sa ulat ng pulisya, tinutugis naman ang tumakas na suspek na si PO3 Rodrigo Alcantara ng Aviation Securtity Group sa NAIA, Pasay City. Ayon sa pulisya, nasagi ang minamanehong motorsiklo ni PO3 Alcantara ng trike ng biktima na naging dahilan para masugatan ang kaangkas na si Nepomuceno hanggang sa magalit ang suspek at barilin si Avilla. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments