Mag-lola sinuwag ng bus

NUEVA ECIJA – Isang 58-anyos na babae ang iniulat na nasawi, samantala, kritikal naman ang apo nito makaraang suwagin ng pampasaherong aircon bus habang tumatawid sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay San Juan Accfa, Cabanatuan City kamakalawa ng gabi, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang nasawing biktima na si Felicisima Azarcon, samantalang inoobserbahan sa Nueva Ecija Doctors’ Hospital si Rose Ann Vingua, apat na taong gulang. Sumuko naman ang drayber ng Baliwag Transit Bus (CVR-637) na si Crisencio Joson, 46 ng 500-E Delos Reyes St., Barangay San Vicente, Gapan City. Base sa pagsisiyasat ng pulisya, nakatayo sa waiting shed ang mag-lola nang maisipang tumawid sa kabilang kalsada para sumakay ng pampasaherong dyip hanggang sa maganap ang pangyayari. (Ulat nina Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments