Base sa nakalap na ulat kahapon sa tanggapan ni Army chief Lt. Gen. Gregorio Camiling Jr., bandang alas-4 ng hapon nang isagawa ang pagsalakay sa limang kuta ng mga rebelde sa nasabing lugar.
Narekober ng mga tauhan ng Armys 702nd Brigade ang 1.5 kilong C4 na kayang lusawin ang mataas na gusali; 1/4 libra ng TNT (trinitrotoluene), siyam na pirasong electronic blasting caps, kahon ng lighter fuse, 23 metro ng electronic detonating cord at light machinegun.
Ayon pa sa ulat na bago pa salakayin ang naturang kuta ay nakatanggap ng impormasyon ang militar mula sa kanilang civilian asset na may itinatagong mga eksplosibo ang mga rebelde sa limang kuta sa nabanggit na barangay.
Pinaniniwalaan naman mabilis na inabandona ng grupo ni Ka Donna na nagbabantay sa limang kuta matapos na matunugang may paparating na tropa ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)