213 Muslim rebels sumurender
October 25, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Umaabot sa 213 rebeldeng Muslim mula sa grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Misuari Breakaway Group (MBG) ang boluntaryong sumuko sa pamahalaan ng Basilan kamakalawa.
Sa ulat ni AFP-Southcom Chief Lt. Gen. Roy Kyamko, ang mga nagsisukong rebelde ay mula sa grupo nina Commander Samad Albah ng MILF at ng MBG na pinamumunuan naman ni Commander Pautong Murasidul.
Ayon kay Kyamko, bandang alas-10 ng umaga nang magsisuko ang grupo nina Commander Albah at Pautong sa Armys 103rd Brigade na nakabase sa Brgy. Tabalwan, Isabela City.
Sinabi pa ng heneral na ang pagsuko ng mga rebeldeng MILF ay malaking puntos sa isinusulong na peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng separatistang grupo na inaasahang maghaharap na muli ng negotiating table sa unang linggo ng Nobyembre.
Ang pagsuko ng mga rebelde ay naisakatuparan matapos ang masusing negosasyon na isinagawa ng mga Intelligence operatives ng militar sa pakikipagtulungan ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan.
Isinasailalim na sa masusing tactical interrogation ng militar ang mga nagsisukong rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 12 hours ago
By Cristina Timbang | 12 hours ago
By Tony Sandoval | 12 hours ago
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am